LPA, nabuo sa loob ng teritoryo ng bansa

DOST PAGASA satellite image

May nabuong low pressure area (LPA) sa Silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, tumawid na ang sama ng panahon sa gitnang bahagi ng Visayas.

Huling namataan ang LPA sa layong 45 kilometers Timog-Silangan ng Tagbiliran City, Bohol dakong 3:00 ng hapon.

Hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA.

Maari aniyang malusaw ang sama ng panahon sa susunod na 12 hanggang 36 oras.

Samantala, umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon

Manipis na kaulapan lamang aniya ang umiiral kaya mahihinang pag-ulan ang posibleng maranasan bunsod nito.

Read more...