Malaki ang posibilidad na maibaba na ang COVID-19 alert level sa Metro Manila bago sumapit ang Pasko sa taong 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa patuloy na bumababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay Roque, naghihintay lamang ang Palasyo at mga awtoridad na bumaba sa pitong porsyento ang attack rate ng COVID-19 mula sa kasalukuyang 7.7 porsyento.
Una nang sinabi ng OCTA Research Group na handa na ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 2.
Sa kasakuluyan, nasa Alert Level 3 pa ang Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES