Higit 59.3-M katao sa bansa, bakunado na vs COVID-19
Pumalo na sa mahigit 59.3 milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard noong November 1.
Sa naturang bilang, 35.47 porsyento na o mahigit 27.3 milyon ang fully vaccinated sa buong bansa.
Sa Metro Manila, nasa 96.34 porsyento o mahigit 9.4 milyon ang nakatanggap na ng first dose habang 87.78 porsyento ang fully vaccinated.
Katumbas ito ng humigit kumulang 8.5 milyong katao.
Mahigit 100 milyong doses na aniya ng bakuna ang dumarating na sa Pilipinas.
Ayon kay Roque, wala nang dahilan ang publiko para hindi magpabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.