Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 2), nasa 2,792,656 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 40,786 o 1.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,303 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
71.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.1 porsyento ang asymptomatic; 13.02 porsyento ang moderate; 7.5 porsyento ang severe habang 3.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 128 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 43,404 o 1.55 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,677 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,708,466 o 97.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.