Karamihan sa IATF members, pabor na alisin ang panuntunan sa paggamit ng face shield

By Chona Yu November 02, 2021 - 03:27 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Ibinunyag ng Palasyo ng Malakanyang na karamihan sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pabor na alisin na ang mandatory na paggamit ng face shield sa indoor na mga lugar.

Ito ay dahil sa patuloy na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, marami sa mga miyembro ng IATF ang nagsasabing dapat nang itigil ang pagsusuot ng face shield.

Gayunman, sinabi ni Roque na sa ngayon, wala pang opisyal na desisyon ang IATF.

Sinabi naman ni Dr. Edsel Salvaña ng UP Manila-National Institute of Health (NIH), na maraming benepisyo ang pagsusuot ng face shield.

Una ay napo-protektahan aniya ang isang indibidwal sa virus.

TAGS: FaceShield, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, FaceShield, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.