“No Permit, No Service” ipinatutupad na sa mga trucker sa pantalan

PPA Facebook photo

Sinimulan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagpapatupad ng “No Permit, No Service” sa mga trucker sa mga pantalan sa bansa simula November 1, 2021.

Alinsunod ang naturang polisiya sa PPA Memorandum Circular (MC) 19-2021, kung saan nakasaad na kailangang magkaroon ng truckers ng Certificate of Accreditation (CA) at Permit to Operate (PTO) upang makapag-transaksyon sa port terminals.

Ilang trucker kasi anila ang tumatanggi pa rin sa pagkuha ng CA at PTO.

Giit ng PPA, hindi bagong requirement ang CA at PTO dahil matagal nang naabisuhan ang truckers ukol sa polisiya.

Sa kabila ng pagpapalawig ng deadline para sa pagkuha ng nasabing requirements, ilang trucker ang hindi pa rin sumunod dahil sa hindi malamang dahilan.

Sa pagtatapos ng October 31 deadline, 75 porsyento ng truckers na nag-ooperate sa Port of Manila ang nag-comply sa CA at PTO requirements.

Nagbabala rin ang PPA laban sa colorum operators na hindi sumusunod na iskedyul at panuntunan sa mga terminal.

“We are warning colorum truck operators to comply with the need to have the PPA CA and PTO. Apart from being barred to transact at the port terminals, they will be meted with an appropriate sanction,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.

Sinimulan na rin ng leading port operators na Asian Terminals Incorporated (ATI) at International Container Terminals Services, Inc. (ICTSI) ang naturang polisiya noong November 1, 2021.

Read more...