Mga pasahero sa mga pantalan, mahigpit pa ring binabantayan ng PCG

By Angellic Jordan November 02, 2021 - 02:57 PM

Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero sa mga pantalan sa gitna ng Undas 2021.

Sa datos ng PCG hanggang 12:00, Martes ng tanghali (November 2), nasa 12,931 ang bilang ng outbound passengers at 10,063 naman ang inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Nagtalaga ang ahensya ng frontline personnel sa 15 PCG Districts at nag-inspeksyon sa 308 vessels at 348 motorbancas.

Nakataas sa heightened alert ang districts, stations, at sub-stations ng PCG simula October 29 hanggang November 4 upang ma-control ang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi ng probinsya at pagpunta ng mga lokal na turista sa mga tourist destination.

Maaring makipag-ugnayan ang publiko sa PCG sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan ukol sa sea travel protocols and regulations sa Undas 2021.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews, Undas2021, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews, Undas2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.