Iraq, ibinaba ng DFA sa Alert Level 3

By Angellic Jordan November 02, 2021 - 02:16 PM

Mula sa Alert Level 4 (Mandatory Repatriation), ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) ang Iraq.

Paliwanag ng kagarawan, nakakita ng pagbabago sa lagay ng seguridad at kahilingan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa.

Kasunod nito at sa rekomendasyon ng DFA, naglabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ng Governing Board Resolution (GBR) No. 9 series of 2021, kung saan hindi pinapasama ang returning OFWs sa Iraq mula sa deployment ban, depende sa ilang kondisyon na nabanggit sa nasabing resolusyon.

Ipinag-utos pa rin sa mga Filipino sa Iraq ang pag-iingat, limitahan ang galaw sa mga kinakailangan lamang, at patuloy na buksan ang komunikasyon sa Philippine Embassy sa Baghdad, sa pamamagitan ng mga numerong +9647506561740, +9647516167838, at +9647508105240, o [email protected].

TAGS: AlertLevel3, DFA, InquirerNews, Iraq, IraqAlertLevel3, RadyoInquirerNews, AlertLevel3, DFA, InquirerNews, Iraq, IraqAlertLevel3, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.