Pumalo na sa 247.86 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 247,868,083 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 46,931,284 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,285,814 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,814,693 naman ang kaso sa Brazil habang 9,097,311 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,554,192
– Turkey – 8,061,666
– France – 7,168,743
– Iran – 5,934,495
– Argentina – 5,289,945
– Spain – 5,011,148
– Colombia – 5,003,977
– Italy – 4,774,783
– Germany – 4,619,273
– Indonesia – 4,244,761
– Mexico – 3,808,205
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,020,705 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 224,574,327 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.