Drug test magiging sukatan sa kondisyon ng mga kandidato – Sen. Bong Go

By Jan Escosio November 02, 2021 - 11:57 AM

Pinaboran ni Senator Christopher Go ang panukala na sumailalim sa drug-test ang mga kandidato sa 2022 national and local elections.

Katuwiran ng vice presidential candidate ng PDP-Laban sa ganitong paraan ay malalaman kung may kakayahan ang mahahalal na opisyal na gampanan ang kanyang mga responsibilidad at tungkulin.

Ito rin aniya ay pagpapakita ng magandang ehemplo sa mga kandidato.

“Bagama’t hindi naman requirement sa batas ang drug testing ng mga kandidato, sang-ayon ako na voluntarily maipakita natin at malaman ng mga botante kung ‘fit for public service’ ang mga pinagpipilian nilang mamuno ng ating bansa,” pagpapatuloy pa nito.

Sinabi pa nito na kung hihilingin ng taumbayan ang drug-testing sa mga kandidato handa siyang sumailalim kahit saan at kahit kailan.

TAGS: bong go, drug test, news, Radyo Inquirer, bong go, drug test, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.