Comelec inuulan ng mga reklamo kaugnay sa eleksyon sa Lunes

NGCP lines
Napocor photo

Patuloy sa pagtanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng mga reklamo dalawang araw bago ang eleksyon.

Bukod sa mga hindi gumaganang mga Vote-Counting Machines (VCM), may mga ilang lugar na rin ang sinasabing dumaranas ngayon ng kawalan ng supply ng Kuryente.

Bukod sa ilang bayan sa Lanao Del Norte, pinaka-huling naiulat ang kawalan ng suplay ng kuryente sa bayan ng Dilasag sa lalawigan ng Aurora.

Nagtuturuan naman ang Aurora Electric Cooperative (AURELCO) at National Power Corporation (NAPOCOR) sa kung sino ang may pagkukulang kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente sa nasabing bayan.

Sa isang panayam, sinabi ni PO1 Santy Ramos ng Dilasag Police Station na flashlight lamang ang kanilang gamit sa pagbabantay sa mga election materials na gagamitin sa Lunes, araw ng eleksyon.

Nauna nang sinabi ng AURELCO na kumukuha lamang sila ng kuryente sa NAPOCOR pero mula nang masira ang makina ng kanilang supplier ay hindi na ito nakipag-ugnayan sa kanina.

Read more...