Office of the Solicitor General bigo na mapigilan ang US trip ni Maria Ressa
Hindi nakakuha ng pabor na desisyon sa Court of Appeals (CA) ang Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa mosyon na hindi payagan si Nobel Laureate Maria Ressa na makabiyahe patungo sa US.
Pinagtibay lang ng resolusyon na isinulat ni Associate Justice Geraldine Fiel Macaraig ang pagpayag ng CA na makabiyahe papuntang US ang chief executive ng Rappler hanggang sa Disyembre 2.
Nakatakdakang makibahagi si Ressa sa isang pagtitipon sa Harvard Kennedy School sa Boston bilang Hauser Leader at Visiting Shorenstein Center Fellow.
Sinabi rin nito na bibisitahin niya ang kanyang mga magulang sa Florida.
Sinabi ng mahistrado na napatunayan ni Ressa na napakahalaga ng kanyang biyahe at hindi siya maituturing na ‘flight risk.’
Ikinatuwiran ng mga abogado ng OSG sa kanilang mosyon na ‘flight risk’ si Ressa dahil sa kanyang ‘dual citizenship,’ at siya ay nahatulan, bukod pa sa kanyang mga pahayag na bumabatikos sa justice system sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.