Tonga, nag-lockdown matapos magkaroon ng kauna-unahang COVID-19 case

Natapos na ang pagiging COVID-19 free ng bansang Tonga matapos maitala ang kanilang kauna-unahang COVID-19 case.

Bunga nito, minabuti ng gobyerno ng Pacific Island na magpatupad ng isang linggo na lockdown.

Inanunsiyo ni Prime Minister Pohiva Tuinetoa na ang isla ng Tongatapu kasama na ang kapitolyong Nuku’alofa ay mananatiling naka-lockdown hanggang sa susunod na Martes, Nobyembre 9.

Nabatid na ang unang kaso sa bansa ay isang lalaki na dumating mula sa Christchurch City, New Zealand sa pamamagitan ng repatriation flight noong nakaraang linggo.

Higit 30,000 sa populasyon ng Tonga na 106,000 ang fully vaccinated na at nang kumalat ang balita ukol sa unang COVID-19 case, marami ang nais nang mabakunahan.

Sa ngayon ang lalaki, na fully vaccinated, at ang 214 kapwa niya pasahero sa naturang eroplano ay naka-isolate na.

 

Read more...