Imbakan ng COVID-19 vaccines sa Pagadian nasunog

By Chona Yu November 02, 2021 - 08:55 AM

Tinupok ng apoy ang provincial government center sa Pagadian City kung saan nakaimbak ang mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Dr. Anatalio Cagampang Jr., chief ng Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) at Integrated Provincial Health Office (IPHO), kabilang sa mga nasirang bakuna ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sinovac.

Kasama rin sa natupok ng apoy ang iba pang routine vaccines gaya ng para sa hepatitis, measles, at polio.

Gayunman, hindi matukoy ni Cagampang kung ilang doses ng bakuna ang nasira dahil nagpapatuloy pa ang assessment.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa maintenance hall na nasa ground floor.

 

TAGS: AstraZeneca, COVID-19 vaccines, Dr. Anatalio Cagampang Jr., moderna, news, Pagadian, pfizer, Radyo Inquirer, Sinovac, AstraZeneca, COVID-19 vaccines, Dr. Anatalio Cagampang Jr., moderna, news, Pagadian, pfizer, Radyo Inquirer, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.