Inanunsiyo ng Cebu Pacific na 100 porsiyento ng kanilang active flying crew ay fully vaccinated na.
Sinabi ni vice president for People Department Felix Lopez naisagawa nila ito sa pamamagitan ng sarili nilang employee vaccination program at sa pakikipagtulungan ng ilang lokal na pamahalaan sa bansa.
“We are very pleased to share this news with everyone as we prepare to ramp-up our domestic network to cater to the pent-up travel demand. CEB continues to boost its safety protocols and we know having a fully vaccinated crew will strengthen the trust and confidence of the public in air travel,” sabi ni Lopez.
Dagdag naman ni Capt. Sam Avila, vice president for Flight Operations, may mga piloto at crew sila na nakapagpabakuna sa LGUs sa hangarin na maprotektahan na sila at kanilang pamilya laban sa nakakamatay na sakit.
Sa kabuuan, 98 porsiyento ng mga empleado ng Cebu Pacific ang bakunado na.
Samantala, 16.5 million doses ng COVID 19 vaccines mula sa China ang nadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng CebuPac, bukod pa sa paghahatid ng halos 25 million doses sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.