Sen. Sonny Angara binalaan ang publiko sa pagiging kampante sa pagbaba ng COVID-19 cases

By Jan Escosio November 02, 2021 - 08:29 AM

Pinagbilinan ni Senator Sonny Angara ang awtoridad at publiko sa pagiging kampante sa pagsunod sa minimum health protocols ngayon bumababa na ang kaso ng COVID-19.

“It is encouraging to see a steady decline in the number of people getting infected with COVID-19 in the country. Hopefully this trend will continue and we can open up more sectors of our economy faster,” ayon kay Angara.

Paalala pa ng senador marami pa rin ang nahahawa ng nakakamatay na sakit, gayundin ang mga namamatay  dahil na rin sa pagsulputan ng mga variants ng sakit.

Dagdag pa niya, bagamat dumadami ang suplay ng bakuna, malayo-layo pa ang bilang para mabakunahan ang mayorya ng populasyon sa bansa.

Apila niya sa lahat na maari nang mabakunahan na magpaturok na ng proteksyon laban sa naturang sakit.

“Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na hindi pa nababakunahan na ikonsidera na ang magpabakuna. Napatunayan na nakakapagligtas ng buhay ang mga bakuna kaya pumunta na sa inyong mga barangay at magpa iskedyul na,” dagdag pa nito.

Dapat din aniya magpursige ang gobyerno sa panghihikayat sa mga nagdududa pa sa bakuna at dalhin na ang mga bakuna sa mga senior citizens at may kapansanan.

TAGS: COVID-19, kampante, news, Radyo Inquirer, sonny angara, COVID-19, kampante, news, Radyo Inquirer, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.