Reporma sa prison system sa bansa isinusulong ni Sen. Leila de Lima
Pinuri ni Senator Leila de Lima ang mga jail at prison volunteers dahil sa pagbibigay pag-asa sa mga detenido at preso.
Bukod pa dito, ayon kay de Lima, tinitiyak ng mga prison volunteers na maayos ang pag-trato sa mga tinatawag na persons deprived of liberty o PDL.
Ginawa ito ng senadora sa paggunita sa 34th Prison Awareness Week.
”Isa ang malinaw: Maayos man o hindi ang pasilidad ng isang kulungan, hindi haba ng sentensya o taon ng pagkakulong ang muling bubuo sa isang bilanggo, kundi ang pakiramdam na may halaga ang kanyang buhay, may pag-asa pa, at may lunas sa kanyang pagkalugmok upang muling ibangon ang sarili,” aniya.
Dagdag pa nito, maliit man ang pagtulong, malaking bagay na ito sa mga PDLs para sa pagbibigay pag-asa at pagbabago sa kanilang pananaw sa buhay.
“Pagmamahal, pag-asa at kumakalingang kapwa sa isang komunidad na sentro ang Diyos ang magpapabilis sa paghilom at pagbangon. Kasama nina father at bishop, sobrang laki ng tulong at ambag ng ating mga jail and prison volunteers, kayo po, upang ang komunidad sa loob ng bilangguan ay maging makatao, maging mapagkalinga at walang diskriminasyon,” sabi pa ni de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.