Walang Filipino na nadamay sa Halloween train attack sa Japan – DFA

By Jan Escosio November 02, 2021 - 08:23 AM

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nadamay pag-atake ng isang lalaki sa mga pasahero ng tren sa Tokyo, Japan noong araw ng Linggo.

Ginawa ito ng kagawaran matapos mapa-ulat na 17 katao ang nasaktan sa pananaksak ng lalaki na nagsuot ng ‘Joker costume’ malapit sa Kokuryo station.

Ayon sa 24-anyos na suspek na si Hattori Kyota, idolo niya sa ‘Joker,’ isa sa mga kilalang kalaban ni Batman.

Sinabi din umano ni Kyota na gustong-gusto niyang pumatay ng mga tao para masentensiyahan siya ng parusang kamatayan at gusto niya na mabitay sa Hunyo.

Napa-ulat na kritikal ang kondisyon ng 70-anyos na lalaki na sinaksak sa dibdib ni Kyota, na tinangka din sunugin ang tren gamit ang lighter fluid.

TAGS: “Joker”, Batman, filipino, Hattori Kyota, Japan, Kokuryo station, news, Radyo Inquirer, Tokyo, train aattack, “Joker”, Batman, filipino, Hattori Kyota, Japan, Kokuryo station, news, Radyo Inquirer, Tokyo, train aattack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.