Aabot sa 4,008 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Oktubre 30, 2021.
Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,783,896 na ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit ng naturang virus.
Sa naturang bilang, nasa 47,690 o 1.7 percent ang aktibong kaso habang nasa 2,693,162 ang gumaling.
Aabot naman saa 423 ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.
Sa kabuuan, nasa 43,044 o 1.55 percent ang mga nasawi.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 28, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.