Isang milyong doses ng AstraZeneca COVID vaccines dumating sa bansa
By Chona Yu October 30, 2021 - 03:20 PM
Aabot sa 1,065,600 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.
Nabatid na donasyon ang mga bakuna ng pamahalaang Japan sa Pilipinas.
Dumating ang bakuna pasado 12:00 ng tanghali kanina, October 30 saNinoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa, Japan Embassy Economic minister Masahiro Nakata ang mga bakuna.
Ayon kay Herbosa, ipadadala ang mga bakuna sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.