US license ng China Telecom binawi sa isyu ng national security

By Jan Escosio October 30, 2021 - 03:15 PM

 

Minabuti na bawiin na ng US Federal Communications Commission ang lisensiya ng China Telecom dahil ikinukunsidera ito na banta sa pambansang seguridad ng Amerika.

Binigyan ng US FCC ng 60 araw ang China Telecom para ayusin at itigil na ang pagbibigay ng domestic at international services.

Magugunita na binigyan ng lisensiya na may bisa na 20 taon ng gobyerno ng US ang China Telecom para makapag-operate sa Amerika.

“China Telecom “is subject to exploitation, influence, and control by the Chinese government and is highly likely to be forced to comply with Chinese government requests without sufficient legal procedures subject to independent judicial oversight,” ang katuwiran ng US FCC sa kanilang naging hakbang.

Dagdag pa ng US telco regulator; “Such ownership and control raise significant national security and law enforcement risks and the operation of the division would give the Chinese authorities the ability to ‘access, store, disrupt’ or misroute US communications, which could be used for espionage and ‘other harmful activities’ against the nation.”

Maglalabas na lamang ang ahensiya ng guidance para sa paglipat ng subscribers ng China Telecom Americas sa ibang telcos.

Ito ang pinakahuli sa serye ng pagkilos laban sa mga operator na itinuturing ng FCC na may ugnayan sa Chinese government, na sa kaagahan ng taon ay nagresulta sa pag-ban sa China Unicom at iba pa.

Ang China Telecom ay may 40 percent share sa Dito Telecommunity, ang itinuturing na third major telco player sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.