973,440 doses ng Pfizer COVID vaccines dumating sa bansa

Aabot sa 973,440 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer ang dumating sa bansa 9:00 kagabi, October 29.

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Si Assistant Secretary Wilben Mayor, ng National Task Force Against COVID-19  sub-task group on current operations ang sumalubong sa mga bakuna.

Gagamitin ang mga bagong dating na bakuna sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos.

Lahat aniya ng rehiyon ay makatatanggap ng mga bagong dating na bakuna.

Read more...