30 Malasakit Centers operational na sa Metro Manila

By Chona Yu October 30, 2021 - 10:51 AM

Aabot na sa 30 na Malasakit Centers ang operational na sa Metro Manila.

Ayon kay Senador Bong Go, ito ay matapos buksan ang ika-145 na Malasakit Center sa Philippine National Police General Hospital sa Quezon City; at ika-146 na Malasakit Center sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center sa Las Piñas City.

“Ito ang serbisyong ipinangako at tinupad namin ni Pangulong Rodrigo Duterte — serbisyong ramdam kahit saang sulok ng bansa. Ano nga ba ang kwalipikasyon sa Malasakit Center? Basta Pilipino, poor o indigent patient ka, qualified ka sa mga serbisyo nito. Mayroon na tayong 80 na Malasakit Centers sa Luzon, 37 sa Mindanao at 29 sa Visayas at tuluy-tuloy lang ang pagbubukas nito dahil sa batas na ito,” pahayag ni Go.

Ayon kay Go, ang ilang taong pagtatrabaho kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City ang nagmulat sa kanya na pahirap sa taong bayan ang pagpapa-ospital at ang mahal na bayarin ng gamot.

Ito aniya ang dahilan kung kaya nabuo niya ang konsepto na Malasakit Center. Ang one stop shop kung saan matatagpuan na sa loob ng ospital ang Philhealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Social Welfare and Development at Department of Health para mahingan ng tulong sa pagbabayad sa hospital bill.

“Sa twenty-three years kong pagsisilbi sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakita ko araw-araw ‘yung mga problema ng bansa. Maraming mahihirap ang pumupunta ng Davao noon para humingi ng tulong sa kanilang pampa-ospital. Ubos na panahon nila, ubos pa pera nila sa pamasahe,” pahayag ni Go.

“Sabi ko, bakit ba natin pinapahirapan ang mga Pilipino kung pera naman nila ‘yan. Kaya nung naging senador ako, itinulak ko ang Malasakit Centers Act. Target nito ay ‘zero balance’ para wala ng babayaran ang mga poor at indigent,” dagdag ng Senador.

 

 

TAGS: Camp Crame, las pinas, Malasakit Center, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, Camp Crame, las pinas, Malasakit Center, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.