Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, mula 62 percent na naitala noong Hunyo, bumaba ito ng 10 percent at naging 52 percent na lamang noong Setyembre.
Gayunman, ikinukunsindera ng SWS na ‘very good’ pa rin ang rating ng Pangulo.
Ayon sa survey, 67 percent sa mga Filipino ang nagsabi na satisfied sila sa Pangulo, 11 percent ang undecided at 15 percent ang hindi satisfied.
Ito na ang pinakamababang satisfaction rating ng Pangulo.
READ NEXT
NTC tiniyak ang tulong sa NDRRMC, Civic Action Groups at Amateur Radio Groups sa paggunita ng Undas.
MOST READ
LATEST STORIES