Mayoral candidate sa Bukidnon tinadtad ng bala sa loob ng bahay patay
Dead-on-the-spot ang isang mayoral candidate sa bayan ng Lantapan sa Bukidnon makaraan siyang pagbabarilin ng sampung mga nakamaskarang kalalakihan sa mismong loob ng kanilang bahay kaninang umaga.
Halos hindi na makilala dahil sa tinamong mga tama ng bala sa M16 at M14 rifles ang kandidatong si Armando Ceballos na tumatakbo bilang isang independent candidate para sa mayoral post sa kanilang bayan.
Sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police, sinabi ni Northern Mindanao Police Spokesman Supt. Surki Sereñas na bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang sampung kalalakihan na mga naka-maskara.
Nang makita nila si Ceballos ay kaagad nila itong pinagbabaril gamit ang kanilang mga assault rifles.
Pagkatapos ng pamamaslang ay kaagad na tumakas ang mga suspects.
Si Ceballos ang kalaban sa eleksyon ni Vice-Mayor Ernie Devibar sa pagka-mayor ng Lantapan town.
Naganap ang pamamaslang dalawang araw bago ang eleksyon at sa mahigpit na pagpapatupad ng gun ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.