NTC tiniyak ang tulong sa NDRRMC, Civic Action Groups at Amateur Radio Groups sa paggunita ng Undas.
By Chona Yu October 30, 2021 - 08:27 AM
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Regional Directors nito na umasiste sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs).
Bilang komisyon na naatasang mag-regulate sa paggamit ng radio, iniutos ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang pag-asiste sa mga ahensya at mga grupong reresponde ngayong Undas 2021.
Inatasan din ni Cordoba ang lahat ng Regional Directors na alamin ang iba pang tulong na maaring maipagkaloob ng NTC gaya ng pag-iisyu ng temporary permits at licenses na kakailanganin para masiguro ang kaligtasan ng mga bibiyahe ngayong Undas.
Maging ang pag-asiste sa mga radyo,, television at cable TV stations/operators para sa pagpapalaganap ng mga impormasyon.
Inatasan ang mga Regional Director na isumite sa Office of the Commissioner ang “ELECTRONIC COPY” ng listahan ng mga sumusunod:
1. Name of the CAGs and ARGs;
2. Areas and/or routes to be covered;
3. Frequencies to be used;
4. Contact numbers and point persons during the operations; 5. Temporary location of radio base stations, if any; and 6. Duration of operation.
Pinamomonitor din sa mga Regional Offices ang operasyon ng mga CAGs at ARGs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.