Dennis Trillo, Jennylyn Mercado engaged na

By Angellic Jordan October 29, 2021 - 09:01 PM
Screengrab from Jennylyn Mercado’s YouTube video

“It’s always been a YES”

Ito ang naging caption ng Instagram post ng aktres na si Jennylyn Mercado para ianunsiyo ang engagement nila ng aktor na si Dennis Trillo.

Ibinahagi rin ng couple sa YouTube ang video kung paano nag-propose si Dennis kay Jennylyn.

Makikita sa video ang naging preparasyon ni Dennis para sa aktres.

Maliban dito, inanunsiyo rin ng Kapuso couple na tatlong buwan nang buntis si Jennylyn.

Umaasa ang dalawa na ‘baby girl’ ang maging biyaya ng Panginoon sa kanila.

Bumuhos naman ang pagbati ng kanilang mga mahal sa buhay at tagahanga.

TAGS: DennisTrillo, InquirerNews, JennylynMercado, JennylynMercadoEngaged, RadyoInquirerNews, DennisTrillo, InquirerNews, JennylynMercado, JennylynMercadoEngaged, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.