Walang inaasahang papasok na bagyo sa bansa sa weekend – PAGASA

By Angellic Jordan October 29, 2021 - 06:46 PM

DOST PAGASA satellite image

Nakakaapekto pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking parte ng Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol region, Southern Quezon, at Eastern Visayas.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, asahan ang maaliwalas na panahon maliban sa isolated light rains.

Aniya pa, walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na tatlong araw.

TAGS: amihan, InquirerNews, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate, amihan, InquirerNews, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.