Lacson, handang mauna sakaling isailalim sa drug testing ang presidential candidates
Inihayag ni Senator at Presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na handa siyang sumailalim sa drug testing.
Kasunod ito ng nais ipanukala sa Commission on Elections (Comelec) na idaan sa drug testing ang mga presidentiable sa pamamagitan ng hair follicies.
Sa kaniyang Online Kumustahan event sa Pampanga, Biyernes ng hapon (October 29), sinabi ni Lacson na handa siyang mauna sakaling ikasa ang drug testing sa mga presidential aspirant.
Suhestiyon pa nito, “Hindi dapat naka-schedule [ang drug test]. Dapat random para mas credible ang drug test.”
Maliban kay Lacson, sang-ayon din sa naturang panukala ang iba pang tatakbo sa pagka-pangulo na sina Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.