Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 50,000

Mahigit 4,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 29), nasa 2,779,943 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 50,630 o 1.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,043 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

74.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.5 porsyento ang asymptomatic; 10.71 porsyento ang moderate; 6.1 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 44 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 42,621 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,224 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,686,692 o 96.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...