Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan, dumadami na para sa Undas 2021

By Angellic Jordan October 29, 2021 - 04:01 PM

Unti-unti nang dumadami ang mga pasaherong dumarating sa mga pantalan para umuwi ng probinsya sa Undas 2021.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (October 29), nasa 15,962 ang bilang ng outbound passengers at 13,659 naman ang inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Nagtalaga ang ahensya ng frontline personnel sa 15 PCG Districts at nag-inspeksyon sa 295 vessels at 357 motorbancas.

Nakataas sa heightened alert ang districts, stations, at sub-stations ng PCG simula October 29 hanggang November 4 upang ma-control ang pagdagsa ng mga pasahero na bibista sa kani-kanilang mahal sa buhay sa probinsya.

Inaasahan din ang pagpunta ng mga fully vaccinated na lokal na turista sa mga tourist destination kasabay ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Maaring makipag-ugnayan ang publiko sa PCG sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan ukol sa sea travel protocols and regulations sa Undas 2021.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews, Undas2021, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews, Undas2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.