DPWH, magkakaroon ng weekend road reblocking
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs sa ilang kalsada.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (October 29).
Apektado ng aktibidad ang mga sumusunod na kalsada:
1. España Boulevard (Asphalting activities)
2. C.P Garcia Francisco St. hanggang Aguinaldo St. (2nd lane mula sa sidewalk)
3. EDSA Quezon City pagkatapos ng Anapolis St. hanggang bago ang Boni Serrano flyover Northbound (3rd lane mula sa sidewalk)
4. EDSA Tramo Flyover Pasay City
Maari namang daanan muli ng mga motorista ang nasabing kalsada dakong 5:00, Martes ng madaling-araw (November 2).
Kaya payo ng MMDA sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.