Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 246.27 milyon
Pumalo na sa 246.27 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 246,278,077 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 46,685,145 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,246,157 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,781,436 naman ang kaso sa Brazil habang 8,936,155 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,392,697
– Turkey – 7,961,535
– France – 7,146,755
– Iran – 5,899,509
– Argentina – 5,286,074
– Spain – 5,008,887
– Colombia – 4,997,444
– Italy – 4,757,231
– Germany – 4,553,730
– Indonesia – 4,242,532
– Mexico – 3,798,286
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,996,468 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 223,160,250 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.