Jesi Corcuera: “Simbolo ng aking kalayaan”

By Angellic Jordan October 28, 2021 - 09:07 PM
Photo credit: @corcuerajesi/Instagram

Hindi maitago ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at “StarStruck” finalist na si Jesi Corcuera ang kaniyang ngiti bilang isang transman.

Proud na ibinahagi ni Jesi sa kaniyang Instagram account ang larawan kung saan makikita ang marka mula sa pinagdaanang chest surgery.

“Maaring hindi niyo maintindihan ang sayang aking nararamdaman pero sa likod ng mga hiwa sa ilalim ng aking dibdib, yan ang simbolo ng aking kalayaan. Kalayaan sa mapanghusgang lipunan,” saad ni Jesi.

Mensahe nito sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, “Para sa mga tulad kong parte ng makulay na bahaghari, ‘wag kayong titigil makamit ang inyong kalayaan at kasiyahan.”

Nagpasalamat naman si Jesi sa kaniyang pamilya, sa nobya, at sa doktor na sumuporta sa kaniya.

TAGS: InquirerNews, JesiCorcuera, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JesiCorcuera, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.