PNP, iimbestigahan ang pag-atake vs DOST official sa Koronadal

By Angellic Jordan October 28, 2021 - 07:29 PM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang pagkakasa ng masusing imbestigasyon sa pag-atake laban sa isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) sa Koronadal City.

Sa ulat ng pulisya, binaril ng hindi nakilalang gunman ang biktimang si Engr. Normina Pahm, Assistant Regional Director ng DOST-12, habang naghihintay ng service vehicle kasama ang mga katrabaho para maihatid sana sa kanilang opisina sa bahagi ng Barangay Saravia.

Nakatakas ang suspek habang si Pahm ay agad isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanang balikat.

Inatasan ni Eleazar ang Koronadal City Police Office na makipag-ugnayan sa biktima.

“Muling nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga kriminal na maghasik ng karahasan kaya inatasan ko na ang ating mga unit commanders na palakasin ang kanilang mga anti-crime strategies at tiyakin din na mananagot ang sinumang makakalusot sa ating kampanya sa peace and order,” saad ng hepe ng PNP.

Dagdag nito, “The assurance that these criminal elements would be arrested and held accountable for their illegal activities remain the best anti-crime strategy. Kaya inaasahan ko na tututukan ng PRO-12 ang kasong ito upang mahuli at agad mapanagot ang mga taong nasa likod ng pangyayaring ito.”

Sa ngayon, sinusuri na ng mga imbestigador ang CCTV footage upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa ngayon, stable na ang kondisyon ni Pahm.

TAGS: GuillermoEleazar, InquirerNews, koronadal, NorminaPahm, PNP, RadyoInquirerNews, GuillermoEleazar, InquirerNews, koronadal, NorminaPahm, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.