Anak ng isang Mulism na bus driver ang bagong Mayor ng London

By Den Macaranas May 07, 2016 - 12:46 PM

Sadiq-Khan-0507
AP Photo

Anak ng isang bus driver na Muslim galing sa Pakistan ang bagong halal na Mayor ng London.

Sa katatapos na halalan ay tinalo ng 45-year-old na si Sadiq Khan ng Labour Party ang mahigpit na karibal na si Zac Goldsmith ng Conservative Party.

Sa mga huling araw bago ang eleksyon noong nakaraang weekend ay pilit na iniuugnay ni Goldsmith si Khan sa Islamic Extremists na umano’y magdadala ng panganib sa hindi lamang sa London kundi sa buong Europe.

Pero nanaig pa rin si Khan sa kabila ng mga paninira sa kanya.

Ang bagong Alkalde ng pinaka-malaking lungsod sa Europe ay nagtapos ng Law sa University of North London.

Abogado rin ang kanyang misis na si Saadiya Ahmed at meron silang dalawang anak na babae.

Bago naging London Mayor ay naglingkod din si Khan bilang community minister ni Prime Minister Gordon Brown.

Si Khan ay isinilang sa London noong 1970 at lumaki sa isang public-housing project ng gobyerno.

Ang London ay kasalukuyang mayroong 8.6 Million na mga residente kung saan isang milyon sa mga ito ay pawang mga immigrants mula sa iba’t ibang mga bansa.

TAGS: europe, gordon brown, londo, saddiq khan, UK, europe, gordon brown, londo, saddiq khan, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.