Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mas mababa na sa 50,000

Mahigit 3,000 muli ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 28), nasa 2,772,491 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 49,835 o 1.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,694 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

73.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.8 porsyento ang asymptomatic; 10.97 porsyento ang moderate; 6.2 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 227 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 42,575 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,924 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,680,081 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...