Moreno, pabor sa face-to-face debate ng presidential candidates

By Chona Yu October 28, 2021 - 06:38 PM

Manila PIO photo

Pabor si Manila Mayor Isko Moreno sa face-to-face na debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.

Ayon kay Moreno, pabor sa tao ang face-to-face na debate dahil malalaman ng publiko kung ano ang intensyon ng isang kandidato.

Makikilatis aniya nang husto ng mga botante kung sino sa kanila ang karapat-dapat na mahalal sa puwesto.

Sinabi pa ni Moreno na magiging issue-based ang kanyang pag-atake sa mga debate at hindi ang paninira sa mga kapwa kandidato.

Sinabi pa ni Moreno na tiyak naman na sasailalim sa swab test at tatalima sa mga health protocols kontra COVID-19 oras na isagawa ang debate.

Ayon kay Moreno, matagal na siyang handa sa debate.

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.