896,000 doses ng AstraZeneca COVID vaccine mula Japan, dumating na sa bansa
Dumating na sa Pilipinas ang 896,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, Huwebes ng hapon (October 28).
Lulan ang mga bakuna ng light CI 701 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.
Personal na sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar, Sec. Carlito Galvez Jr., Japanese Ambassador to the Philippines, H.E. Kazuhiko Koshikawa at iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang pagdating ng mga bagong AstraZeneca vaccine shipment.
“Already expecting the remaining doses to complete the 1.96M AZ shots pledged by Japan to arrive in 2 days,” saad ni Koshikawa at aniya pa, “I’m with you in aiming for a better Christmas time for PH this year!”
Bahagi ito ng tulong ng gobyerno ng Japan para sa pagpapalawig ng national vaccination drive upang makamit ang population protection sa Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.