Nakakaapekto pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking parte ng Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Rizal at Bulacan.
Sa nalalabing bahagi nito, magiging maayos ang panahon ngunit asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan.
Sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao, may posibilidad pa ring umiral ang thunderstorms hanggang gabi.
Malaki aiya ang tsansa ng severe thunderstorms sa Mindanao kaya pinaghahanda ang mga residente sa posibleng idulot nitong pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, patuloy ang pagkilos ng Typhoon Malou papalayo sa teritoryo ng bansa.
Hanggang sa katapusan ng Oktubre, inaasahang walang mabubuong sama ng panahon o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).