Higit P500-M halaga ng mga smuggled na kagamitan, nadiskubre sa isang warehouse sa Cavite

By Angellic Jordan October 28, 2021 - 03:15 PM

BOC photo

Nasamsam ng Bureau of Customs -Port of Manila (BOC-POM), sa pamamagitan ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service Field Office (CIIS) at Enforcement and Security Service seized (ESS), ang mga smuggled na kagamitan, Chinese na pagkain at inumin, at medical protective masks.

Ayon sa ahensya, tinatayang nagkakahalaga ang mga kontrabando ng P500 hanggang P600 milyon.

Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nag-inspeksyon ang mga miyembro ng POM-CIIS, POM-ESS, Philippine Coast Guard, at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa bahagi ng 9172 Antero Soriano Hi-Way sa Barangay Mulawin sa Tanza, Cavite.

Nagresulta ang inspeksyon sa pagkakadiskubre ng mga pekeng kagamitan na may tatak na Jordan, Nike, Crocs, Havaianas at iba pa.

Natagpuan din ang iba’t ibang Chinese food, Chinese beverages tulad ng beers, iced teas, at sodas, at medical protective masks na ipinamamahagi ng grupo ng mga Chinese national, sa pamumuno nina Anna Ty at Willy Zhang.

Magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa naturang warehouse dahil sa posibleng paglabag sa Section 1114 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

TAGS: BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews, smuggleditems, BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews, smuggleditems

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.