Seguridad sa mga miting de avance kasado na ayon sa NCRPO
Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sapat ang kanilang mga tauhan na magbabantay sa sabay-sabay na mga miting de avance ngayong araw.
Sinabi ni NCRPO Dir. Joel Pagdilao na makakatuwang nila sa pagmonitor ng sitwasyon ang kanilang “hi-tech” war room na puno ng mga HD monitor ng mga CCTVs na nakakalat sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila.
Mamayang hapon ay magtitipon-tipon sa Lawton Ave. sa JP Rizal Makati City ang United Nationalist Alliance (UNA) para sa miting de avance ng grupo ni Vice-President Jejomar Binay.
Sa Luneta naman ang magiging venue ang huling araw ng kampanya ng PDP-Laban sa pangunguna ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Plaza Miranda sa Quiapo lungsod ng Maynila ang napiling lugar ng tambalang Sen. Grace Poe at Chiz Escudero samantalang sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City naman ang Liberal Party sa pangunguna ni Mar Roxas.
Bukod sa mabigat na daloy ng trapiko, sinabi ng NCRPO na nagtalaga sila ng mga dagdag na bilang ng mga pulis sa mga lugar na paggaganapan ng mga pagtitipon.
Muli namang ipina-alala ng PNP sa kanilang mga tauhan na iwasang makisawsaw sa pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.