WATCH: Moreno sa Oxford diploma ni Marcos: “I have nothing against it but lying is different”
Ibang usapin na ang pagsisinungaling.
Pahayag ito ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno sa kinukwestyung diploma sa kapwa presidential aspirant na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Oxford University.
Sa ambush interview, sinabi ni Mayor Isko na wala namang masama kung ano pa man ang natapos ng isang kandidato.
Malinaw naman kasi na nakasaad sa batas na maaring kumandidatong pangulo ng bansa ang isang Filipino na 40-anyos pataas at marunong magbasa at magsulat.
Pero ibang usapan na aniya kung magsisinungaling ang isang kandidato.
Una nang sinabi ni Marcos na nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Oxford University sa England bagay na pinabulaanan ng unibersidad.
Narito ang pahayag ni Moreno:
Presidential aspirant and Manila Mayor Isko Moreno on former Senator Marcos’ Oxford diploma: I have nothing agaisnt it but lying is different. @radyoinqonline pic.twitter.com/iUAUeSVcGB
— chonayuINQ (@chonayu1) October 28, 2021
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.