Naghuhumiyaw ang puso at isip ko sa pagtutol sa taguring binuo na “bobotante”.
Naisatinig ko ito sa isang pulong noon. Wala rin. Drowned by overwhelming support for the coined terminology.
Anyways, naalala ko lang dahil gusto kong sabihin na kung maaari ay huwag nating tukuyin o markahan ang mga botante na matalino o bobo o ‘di kaya’y mga botantateng mulat at bulag.
All voters have an inherent love of country. Lahat ng botante ay may pagmamahal sa bayan. Hindi ba puwedeng iyon ang itanghal natin? In championing that we acknowledge that there is no monopoly in expressing love for our country, we treat our votes as equals.
Kung puwede lang naman.
Alam naman natin ang katotohanan na ang eleksiyon ay maghahati sa grupo-grupo. Kung baga isa itong malaking kumpetisyon sa ilalim ng demokrasya. Huwag na tayong magparunggitan.
Ang kandidatong may pinakamaraming bilang ng boto pa rin ang mananalo. It’s all about the numbers. The best candidate or your prescription of who is the best candidate may not receive that much number of votes to win.
‘Yun ang totoo.
Kung ang tingin natin sa bawat botante ay Filipinong may pagmamahal sa bayang tulad mo, mas magiging madali ang panghihikayat ng boto. Una, hindi mo siya hinamak bagkus ay kinilala pa ang kanyang taal na kakayahang magpasya udyok ng pagmamahal sa bayan.
Can we do same sa mga kandidato?
Can we assume that they’re all running, not because of selfish interests, but for love of country?
Kakainis! Masyado nang ideal ang ipinapanukala ko. Alam ko namang hindi totoo itong pinagsasabi ko. But I can dream, can’t I?
Muli, hanggang dito na lamang muna.