Higit 23,000 nabakunahan na sa COVID 19 ‘pediatric vaccination’ rollout
Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na 23,727 menor de edad ang naturukan na ng proteksyon laban sa COVID 19.
Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje ang bilang ay base sa dalawang linggo na pediatric vaccination rollout na sinimulan noong Oktubre 15 sa mga ilang ospital sa Metro Manila.
Binanggit niya nasa naturang bilang, 25 lamang ang napa-ulat na nagkaroon ng ‘adverse effects.’
Sa darating na Nobyembre 3, ikakasa na ang full rollout sa Metro Manila at sa Nobyembre 5 naman ay sa buong bansa.
Nangangahulugan ito, ayon kay Cabotaje, na maging ang mga nasa 12 hanggang 17 na walang comorbidities ay maari nang mabakunahan.
Pagtitiyak din niya na may sapat na suplay ng COVID 19 vaccines para sa pagpabakuna sa mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.