P1B fuel subsidy sa PUV drivers malaking tulong – PASAHERO partylist

By Jan Escosio October 28, 2021 - 11:08 AM

Tamang hakbang, ayon sa PASAHERO Partylist, ang pagbibigay ng gobyerno ng P1 billion fuel subsidy sa mga public utility vehicles (PUVs) drivers ngayon mataas ang halaga ng mga produktong-petrolyo at dahil sa pandemya.

“This is a step in the right direction in helping the transport sector cope with the rising fuel prices, which is happening while it is still reeling from the devastating impact of the pandemic,” sabi ni lawyer Homer Alinsug, ang tagapagsalita ng PASAHERO o Passengers and Riders Organization Inc.

Dagdag pa niya, dahil sa ibibigay na subsidiya maaring hindi na humirit pa ng dagdag-pasahe ang mga operators at drivers at bunga nito makakahinga naman ng maluwag ang mga mananakay.

Kayat pinasalamatan ng grupo ang economic team ng gobyerno sa paglalaan ng P1 bilyon para sa ayuda sa may tinatayang 178,000 PUV drivers.

“Napakalaking tulong nito sa transport sector at maging ang mga commuter ay makakahinga ng maluwag mula sa pangambang magtataas na naman ng pasahe dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,” dagdag pa ni Alinsug.

Panawagan lang nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang pamamahagi ng cash aid sa mga benipesaryo.

Kabilang ang PASAHERO, na kumakatawan sa mga Filipino commuters, sa mga idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) na maaring iboto sa papalapit  na 2022 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.