‘Simoy-Pasko’ mararamdaman sa Luzon dahil sa amihan – PAGASA
Dahil sa amihan, malaking bahagi ng Luzon ang makakaramdam ng malamig na panahon, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni weather specialist Aldczar Aurelio na asahan ang malamig na hangin at mga mahihinang pag-ulan ngayon araw sa Luzon.
Magiging maulap naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Caraga, Western at Central Visayas dahil din sa amihan.
Sa mga natitirang bahagu ng Visayas at Mindanao maaring manaig ang makulimlim na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil din sa amihan at localized thunderstorms.
Patuloy naman na binabantayan ng PAGASA ang isang tropical cyclone sa labas ng Philippine area of responsibility.
Hindi inaasahan na papasok ang typhoon ‘Malou’ sa PAR at ito ay huling namataan sa layong 1,875 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.