2022 General Appropriations Bill naipasa na ng Kamara sa Senado

 

Inanunsiyo ni House Speaker Lord Allan Velasco na naipasa na nila noong nakaraang Lunes sa Senado ang 2022 General Appropriations Bill na naglalaman ng isinusulong na P5.024 trillion pambansang pondo sa susunod na taon.

Sinabi ni Velasco na napaaga pa ng dalawang araw ang itinakda nilang deadline na maipapasa nila sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukala.

Aniya umaasa sila na nabigyan nila ng sapat na panahon ang mga senador para mabusisi ng husto ang panukalang pambansang pondo at makagawa ang Senado ng sariling bersyon ng GAB.

“We look forward to the bicameral conference where we can thresh out and reconcile the differing provisions of the House and Senate versions,” sabi ni Velasco.

 

Ito naman aniya ay upang maipasa ng Kongreso sa Malakanyang ang proposed 2022 national budget at mapirmahan na ito ni Pangulong Duterte ng Disyembre.

 

Ayon kay Velasco, iniiwasan nila na paganahin ang ‘reenacted budget’ sa pagpasok ng bagong taon dahil maapektuhan ang mga ginagawang hakbang para makabangon ang bansa sa pandemya.

Read more...