Mas marami pa rin sa mga Filipino ang naniniwala na walang magiging pagbabago sa kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, 33 porsiyento sa 1,200 adult respondents sa buong bansa ang positibo na gaganda ang kanilang buhay simula ngayon Kapaskuhan at sila ang tinawag na ‘optimists.’
Samantala, ‘no change’ naman ang ibinansag ng SWS sa 45 porsiyento na naniniwalang walang magbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay.
Pitong porsiyento naman ang ‘pessimists’ na naniniwala mas lalala pa ang kanilang kondisyon.
May 14 porsiyento ang hindi nagbigay ng kanilang sagot.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 12 hanggang 16.
Ang national net personal optimism score ay bumaba ng apat na puntos mula noong Hunyo hanggang nitong Setyembre dahil sa pagbaba ng 10 puntos sa Metro Manila at Balance Luzon.
Kasabay nito ang pagtaas ng anim at tatlong puntos sa Mindanao at Mindanao.