Isang panalo na lang sa TNT para sa PBA All-Pinoy crown

By Jan Escosio October 27, 2021 - 08:56 PM

 

Gumawa ng 26 puntos si rookie Mikey Williams sa kanyang ika-30 birthday para makabawi ang TNT Tropang Giga sa Magnolia Hotshots, 106 -89, sa Game 4 ng 2021 PBA Philippine Cup sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga.

 

Dikit pa ang laban hanggang sa kalagitnaan ng second quarter bago ang sunod-sunod na fastbreak plays ni Ryan Reyes mula sa agaw at error ng Hotshots.

 

Ibinuhos ni Reyes sa second quarter ang lahat ng ginawa niyang 10 puntos at siya ang nagsilbing mitsa para sa 11-0 bomba ng TNT na nagpalayo na sa kanila sa Magnolia.

 

Lumubo pa sa 25 ang lamang ng TNT sa 3rd quarter bago nag-init sina Rome dela Rosa at Mark Barroca para sa Hotshots at naibaba sa 14 ang lamang sa kanila sa pagpasok ng 4th quarter.

 

Sa kabilang banda, pinatunayan naman ni Calvin Abueva na karapat-dapat siyang tanghalin Best Player of the Conference sa kanyang 28 puntos, ngunit nabalewala ito ng kanilang ikatlong pagkatalo.

Sa Biyernes ang Game 6 ng serye at kapag muling nanalo ang Tropang Giga mawawakasan nila ang anim na taon na pagka-uhaw sa kampeonato.

 

Scores:

 

TNT 106 – M. Williams 26, Castro 12, Marcelo 10, Reyes 10, Erram 9, Heruela 9, Pogoy 9, Montalbo 8, K. Williams 6, Rosario 5, Khobuntin 2,

Magnolia 89 – Abueva 28, Sangalang 17,  Lee 15, Barroca 13, Dela Rosa 11,Reavis 3, Jalalon 2, Corpuz 0, Melton 0, Ahanmisi 0, Pascual 0, Dionisio 0

Quarter scores: 24-24, 57-39, 82-67, 106-89

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.